Irene: Sa tingin mo, bakit kaya? Bakit kaya niya ako iniwan? Sabi mo, masayahin naman ako. Sabi mo, maganda naman ako. Mabait. E bakit iniwan pa din niya ako?
Apollo: Baka natakot siya.
Irene: Tangina naman oh, yun lang?!
Apollo: Baka pakiramdam niya nagmadali siya.
Irene: E tarantado pala siya e, bakit niya ako niyaya magpakasal?!
Apollo: Sigurado madami siyang dahilan, kahit naman ako matatakot din ako eh.
Irene: Saan?
Apollo: Sayo?
Irene: Sakin? Ano, kasalanan ko pa?
Apollo: Hindi, natatakot siya para sayo. Kasi baka mas masaktan ka kung tinuloy niya un.
Irene: Bullshit naman yan. Bakit sa tingin niya hindi ako nasasaktan ngayon?
Apollo: Baka ang dami pa niyang tanong noon. Paano kung puro na lang kayo ang mangyare, paano pag nawala ang siya lang. Kung um-oo siya noon, papaano kung hindi niya kayang paninidigan?
Irene: Ano nasagot bang mga tanong niya ha? Nasagot ba?
Apollo: Mas hindi pala niya kaya nung nawala ka.Irene sigurado ako kung nasaan ung tao na yan, nagsisi na yan na pinakawalan ka niya, na nasaktan ka niya, Pero kung kaharap mo siya ngayon, SIgurado isa lang bagay ang hihingin niya mula sayo. Sana mapatawad mo siya.
I’m sorry. Naduwag lang ako talaga.
(Source: iamsammygee)
Photo Courtesy: strawberrytelle
THIS.